Linggo, Setyembre 29, 2013

BOOK REVIEW "SA MGA KUKO NG LIWANAG"

Kuha mula sa goodreads

“SA MGA KUKO NG LIWANAG”

Si Julio ay isang mangingisda, siya ay lumuwas ng maynila upang hanapin at sunduin ang kanyang kababata’t kasintahang si Ligaya, Si ligaya ay matagal ng sumama sa isang Mrs.Cruz upang mag aral at makipag sapalaran sa maynila, sa paghahanap ni Julio kay Ligaya sa maynila marami siyang naging karanasan sa lungsod, naruruon na ang pagsama sa mga masasamang elemento ng lipunan, makatulog kung saan-saan, mapagsamantalahan sa loob ng konstruksiyong kanyang pinapasukan, ang kawalan madalas ng trabaho, at ang higit sa lahat ay makapatay ng taong hindi naman intensyon at sadya… ito’y nangyare sakanya sa gitna ng paghahanap kay Ligaya at sa gitna na din ng tensyon at kabiguan, at dahil sa mga karanasang natamo ni Julio, ito’y naging kaakibat niya sa araw-araw, siya mismo ay naginglihis sa mga mabubuting Gawain, dito siya’y naging mapanganib at kasuklamsuklam sa pag-gawang krimen sa siyudad. Sa hindi inaasahan nagkita ang landas ng dalawang magkababata, duon ay nalaman ni Julio na ang kanyang Ligaya ay naging biktima ng prostitusyon sa kabilang kahirapan sa buhay, si Ligaya ay nakatali sa isang tsino na tila bilanggo, hindi nagpatalo si Julio upang matulungan si Ligaya, gumawa siya ng paraan upang makatakas sa maling landas si Ligaya, anuman ang kanilang kahitnan.

“Ang nobelang ito ang pinagbatayan ng premyadong pelikulang Maynila: sa mga kuko ng liwanagsa iskrip ni Clodualdo del Mundo, Jr. at direksyon ni Lino Brocka. May sa linya Nihongo ni MotoeTerami-Wada, Naging Kabilang sa best-seller Asian Nobel sabansang Japan.”

“AWTOR”

Si Edgardo Reyes ay ipinanganaksa sa San Ildefonso Bulacan, sa taong 1936 ika 20 ng septyembre. Siya’y hitik sa karanasan ng isang manggagawa bago mapabilang sa unang hanay ng bantog na “BagongDugo” ng Liwayway noong dekada ’60. Premyado siya sa palanca salarangan ng maikling kuwento at dula, gayundin sa Liwayway sa Nobelang kagubatan sa lungsod at sa mga kuko ng liwanag. Aktibo ring kolumnista at director iskriprayter si Edgardo. Ayon kay Beinbenido Lumbera, si Edgardo ay “the best of the young novelist… who has resisted the lure of formalist experimentation in favor of realistic documentation of the plight of the exploited poor. He has written what is perhaps the most artistically wrought social novel so far by a Filipino author.”





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento